DepEd Legazpi, malaki ang pasasalamat sa iba’t ibang mga sektor

LEGAZPI CITY – Malaki ang pasasalamat ng Department of Education (DepEd) Legazpi sa iba’t ibang mga sektor katulad ng stakeholders, non-government organizations, government institutions at iba pang votunteers para sa kanilang malaking bahagi at pagtulong sa isinagawang Brigada Eskwela sa kabila ng maraming pangangailangan ng mga paaralan.

Ayon kay School Division Superintendent Cristituto Morcilla, ang Brigada Eskwela ay isang platform ng pagtutulungan ng bawat tao sa ikauunlad ng bawat paaralan at ang magandang pagsasamahan ng mga ito.

Maliban dito, mayroon ding Brigada Pagbaasa kung saan natutulungan ang mga mag-aaral na matutong magbasa.

Dahil dito, marami ang nagbibigay ng reading materials, notebook at iba pang mga kagamitan sa mga paaralan.

Kinumpirma rin ng tanggapan ang pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 22, 2022 na kung saan ang mga paaralan sa lungsod ng Legazpi ay magsasagawa na ng face-to-face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published.