Makakatanggap ng libreng load ang mga guro para sa nagpapatuloy na blended learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones naniniwala silang ang ibibigay na ‘connectivity load’ ay makakatulong sa mga teachers para mapaganda pa kalidad ng kanilang pagtuturo sa kabila ng mga hamon dulot ng pandemya.
Ang connectivity load ay may alokasyon na 30GB hanggang 35GB data allocation kada buwan.
Nanawagan naman si Education Usec. Alain del Pascua sa mga guro na agad magparehistro sa DepEd Commons para maibigay ang load sa kani-kanilang cellphone.
Sisimulan ang rollout ng connectivity allowance sa susunod na buwan.
Kumpiyansa naman ang DepEd na sasapat ang 35GB kada buwan dahil sa kanilang pagtaya nasa 1GB lang kada araw ang maaring magamit sa online webinars, downloading, video watching at iba pa.
Samantala ang hindi naman magagamit na data allocation ay madadagdag sa mga susunod na buwan hanggang sa maubos ang 100GB.
Nailigtas ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang Philippine…
Ipinagbabawal muna ang mga street buskers sa Session Road sa Baguio City dahil sa hindi…
Positibo ang Department of Finance na kayang maabot ng mga Government Owned and Controlled Operations…
Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na simplehan at pabilisin ang permitting process ng mga infrastracture…
Nakumpiska sa mga sakop sa Davao City Police Office (DCPO) ang kapin 6.6 milyon kantidad…
CAMARINES SUR — Negatibo sa isinagawang HIV Screening, Counseling, and Testing ang nasa dalawang daan…