DepEd, may budget na sa para sa kanilang SPED program sa 2023

May pondo na ang Department of Education para sa Special Education Program nito na nagkakahalaga sa 581-million, sa ilalim ng 2023 budget, matapos umani ng puna kasunod ng zero funding nang ibasura ng Department of Budget ang kanilang inisyal na hiling na P532 million.

Ayon kay Senator Pia Cayetano na siyang nagdedepensa sa budget ng DepEd, mismong DepEd ang nag realign ng kanilang pondo para makapaglaan sa special education program.

Nagmula umano ang pondo sa flexible learning programs.

Pinasalamatan naman ni Senator Sherwin Gatchalian ang committee on finance, dahil hindi lang nito ibinalik ang budget para sa SPED, kundi tinaasan pa.

Sa naturang halaga, P96 million ay gagamitin para sa pag-convert sa SPED centers bilang inclusive learning resource centers (ILRC) na magbibigay ng support services sa lahat ng klase ng marginalized at disadvantaged learners.

Binigyang diin naman ni Gatchalian na P60 million pa ang kinakailangan para ang 16 na ILRCs sa buong bansa. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *