DepEd muling nagpaalala sa mga school head na sundin ang school calendar sa pagsasagawa ng mga curricular at co- curricular activities

CAMARINES NORTE- Muling pinaalalahanan ng Department of Education ang mga eskwelahan partikular ang mga school head na sundin ang school calendar sa pagsasagawa ng mga curricular at co- curricular activities.

Ayon kay Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo, kailangang sundin ang school calendar maging aktibidad ay sa loob man o labas ng paaralan tulad ng mga imbitasyon ng Local Government Unit at Non- Government Organizations o ibang ahensiya.

Kailangan umanong sundin ang regional memorandum number 11 series of 2022 kung saan nakapaloob na gagawin ang mga co- curricular activities ay sa 11th week mula sa pagsisimula ng school year.

Mahalaga umanong i- revisit ng mga school head ang mga aktibidad dahil ang mga ito ang nagrerekomenda for approval para hindi ma- disapprove ang request.

Binigyang diin rin ni Guemo na kung may mga imbitasyon sa labas ng eskwelahan ay kailangang bakunado ang mga bata at mayroong pahintulot ng magulang.

Sa pagbabalik naman ng mga ito sa klase ay dapat mayroong ibibigay na intervention ang guro.

Kung ang aktibidad naman ay nasa eskwelahan wala dapat suspensyon ng klase dahil pwede naman umano itong i- integrate sa regular school hours tulad halimbawa pagkatapos ng flag ceremony.

Sinabi ito ng opisyal sa programang DepEd Hour noong Sabado, October 8.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *