DepEd Naga handa na sa full implementation ng face-to-face classes sa Agosto

NAGA CITY- Handa na ang Department of Education o DepEd Naga City sa full implementation ng face-to-face classes sa darating na Agosto.

Ito ang kinumpirma ni Schools Division Superintendent  Dr. Manny De Guzman sa naging panayam ng Brigada News FM Naga. Ipinunto nitong sa limited face-to-face kase nagkakaroon na ng progressive format.

Aniya hindi man napaghandaan gaano ang pagdating ng pandemya kailangan pinaghahandaan ang pagkawala nito kasama na nga rito ang pagbabalik sa normal na sistema ng klase, classrooms, gamit sa mga silid pati mga guro.

Samantala, nagpapasalamat naman ang DepEd Official sa patuloy na vaccination program ng LGU Naga sa pangunguna ng Department of Health.

Una nang sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na sa susunod na academic year full implementation na ng F2F ito rin ang target ni VP Inday Sara Duterte-Carpio, bagay na sinasang-ayunan ng maraming mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *