DepEd, nagbabala sa mga guro laban sa car loan scam

Mariing nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko laban sa mapanlinlang na Labas-Casa/Assume Balance/Loan Accommodation scheme na target ang mga guro sa pampublikong paaralan.

Natuklasan ng DepEd na 29 na kaso ang naisampa laban sa mga salarin ng fraudulent scheme na nagmula umano sa Pampanga.

Ang modus ay pag-engganyo sa mga gurong may financial na mag-apply para sa car loan kapalit ng isang tiyak na halaga ng pera, kabilang ang downpayment para sa unit, at isang pangako na passive income sa isang transport network vehicle service (TNVS) bilang mga insentibo kung ang utang ay naaprubahan.

Samantala, tiniyak naman ng kagawaran sa publiko na ipagpapatuloy nito ang koordinasyon sa mga awtoridad upang mahuli ang mga indibidwal na nasa likod nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *