DepEd nagpalabas ng direktiba sa mga school head kaugnay sa resumption of classes kasunod ng magnitude 5.3 na lindol na tumama sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nagpalabas nang direktiba nitong Huwebes, December 8 ang Department of Education sa mga school head kaugnay sa resumption of classes kasunod ng  magnitude 5. 3 na lindol na tumama sa Camarines Norte noong Miyerkules.

Batay sa direktiba ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo ang mga eskwelahan na mayroong minor/hairline cracks sa pader o dingding at ceiling basta hindi ito nakalaylay ay maaari nang mag- resume ang klase ngayong araw.

Ang mga eskwelahan naman na may beam/slab at column na mayroong major cracks ay hindi muna magre- resume ng klase at kailangan muna itong matingnan ng mga engineer mula sa Division Office o Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nakikipag ugnayan na umano ang SDO sa mga engineer ng DPWH para ma- facilitate ang structural assessment ng mga gusaling pampaaralan na mayroong naiulat na cracks o damages.

Inaabisuhan din ang mga school head na maaaring direkta nang makipag ugnayan sa mga municipal engineer.

Kabilang sa mga eskwelahan sa lalawigan na nagtala ng major damage batay sa partial report ng DepEd ay ang Banocboc Elementary School sa Calaguas island, D.Q. Liwag National High School, Pinagtigasan Calaguas Island Integrated School sa Vinzons, Dominador Narido High School sa Basud, F.P Ibasco Elementary School at Manguisoc Elementary School sa Mercedes at Rizal National High School sa Sta Elena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *