DepEd, nagpasaklolo na virtually kontra “Online Kopyahan”

Humingi na ng saklolo ang Department of Education (DepEd) sa mga social media sites para tuluyang ma-ban ang mga Facebook group na nagpapalaganap ng online kopyahan sa mga estudyante sa kanilang online classes ngayong pandemya.

Sa inilabas na official statement ng DepEd, sinabi nitong ginagawa na nila ang lahat na mga pamamaraan para matuldukan ang pandaraya ng mga estudyante sa kanilang mga onlines classes sa pamamagitan ng kopyahan.

Una dito ay nagtrending ang isang FB group na Online Kopyahan na mayroong libu-libong miyembro.

Sa naturang group ay nagpapalitan ng sagot sa mga module ang mga estudyanteng miyembro ng naturang grupo.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na mahaharap sa karampatang parusa ang nasa likod ng nasabing FB group.

Una nang sinabi ng NBI at PNP na iimbestigahan nila ang mga pasimuno nito.

Ayon sa Deped, ang academic dishonesty ay nagpo-promote lamang ng katamaran at pagiging iresponsable sa mga estudyante.

Kaugnay nito ay umaapela ang ahensya sa mga magulang na gabayan ang kanilang anak at ipaintindi na ang online kopyahan ay walang maidudulot na maganda.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *