Nanindigan ang Department of Education (DepEd) sa desisyon nitong pagpapatanggal ng mga posters at iba pang “unnecessary” materials sa loob ng silid-aralan upang matulungan ang mga mag-aaral na tumuon sa kanilang mga guro at sa mga aralin sa panahon ng mga klase.
Ayon kay Vice President and Education Secretary Sara Duterte, hindi ititigil ang kautusan sa gitna ng kritisismmo dahil para sa kapanan naman ito ng kabataan.
Nakasaad rin sa issuance ng DepEd na isa sa mga rason dito ay ang pag-papanatili ng mga silid-aralan na maging malinis at mailiwalas sa buong school year.
Dagdag pa ni Duterte, sa ganitong paraan, mas magiging “functional” ang mga classrooms para sa mga estudyante.