DepEd, nilinaw na blended learning pa rin sa School Year 2021-2022

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na blended learning pa rin ang sistema ng edukasyon sa pagsisimula ng klase sa Setyembre 13, para sa School Year 2021-2022.

Ito ay sa gitna ng pag-aakala ng maraming mga magulang na tuloy nang muli ang face-to-face classes.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na wala pang inaaprubahan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa face-to-face classes kahit na iminungkahi na nila ang pilot testing nito para sa 100 mga paaralan na nasa low risk areas.

Gayunpaman, nasa pagpapasya pa rin aniya ng Pangulo kung papayagan nito ang pilot testing ng face-to-face classes dahil sa ngayon ay mahigpit na binabantayan ang sitwasyon ng covid-19 sa bansa lalo na at posibleng may local transmission na ng Delta variant.

Tiniyak naman ni Sec. Briones na ligtas pa rin ang mga bata at mga guro sa pagbubukas ng klase dahil blended learning pa rin naman ito.

Inaasahan naman na magtatapos ang School Year sa June 24 2022 o katumbas ng 207 school days.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *