DepEd, pinaiimbestigahan na ang ‘di umano’y pang-aabuso sa apat na teachers sa CamSur

Kinundena ng Department of Education ang insidente ng ‘di umano’y pangho-holdup at tangkang panggagahasa sa apat na mga guro sa Ocampo sa Lalawigan ng Camarines Sur.

Una nang iniulat ng Brigada NewsFM Naga na Martes nang pasukin umano ng armadong lalaki ang isang paaralan sa sentro ng Bayan.

Sa pahayag, sinabi ng DepEd na inatasan na nila ang concerned filed office na makipag-coordinate sa mga otoridad para mapabilis ang imbestigasyon sa insidente.

Tiniyak din ng tanggapan na handa silang magbigay ng mga kinakailangang tulong para sa mga biktima kabilang na ang financial assistance at psychosocial intervention.

Bago ito, una nang sinabi ni Ocampo Police chief. Maj. Reynaldo Balindan sa Brigada NewsFM Naga na mayroon na itong person of interest sa insidente, at itinurnover na nila ang kaso sa kanilang women and children protection desk.

PNP Camarines Sur, pinaigting na ang seguridad sa mga paaralan

NAGA- Tiniyak ng Camarines Sur Police Provincial ang pinaigting na pagbabantay sa mga paaralan, ito ay kaugnay ng nangyaring pang momolestya o sexual abuse sa apat na mga guro.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni CSPPO Spokesperson PLt. Sheralyn Samonte, na ipinag-utos ni PCol. Bernardo Perez sa mga Municipal Police Stations na makipag-ugnayan sa mga Local Government Units at Barangay Councils. Nakikipag-ugnayan na rin sa Department of Education para sa kaligtasan ng mga guro, school personnel at mga estudyante.

Malawak ang Camarines Sur, hindi lahat ng sulok mababantayan ng PNP sa bawat tiktak ng orasan, kaya hinihingi ang kooperasyon ng bawat isa.

Siniguro rin na hindi sila titigil upang nahuhuli ang salarin.
Kinondena ng DepEd ang nangyari, nakasaad din kung ano mga hakbang upang hindi na ito maulit pa sa iba.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *