DepEd, pinayagan na rin ang optional na pagsusuot ng face masks sa mga paaralan

Magiging boluntaryo na rin lamang ang pagsusuot ng facemask ng mga estudyante sa loob ng classroom o silid-aralan.

Ito ang inanunsyo ni Department of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa kasunod ng inilabas na Executive Order No. 7 ng Malacañang noong nakaraang linggo na pupwedeng boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng facemask sa mga indoor setting.

Ayon kay Poa, maglalabas sila ng isang amendatory department order kung saan magsisilbi itong advise sa mga paaralan na mayroong pagbabago sa facemask mandate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *