DepEd, pormal nang binuksan ang SY 2021-2022

Pormal nang binuksan ng Department of Education o Deped ang School Year 2021-2022 ngayong umaga.

Ayon sa DepEd, ito ay mayroong mahigit 24.6 milyong mga enrolles.

Sa kanyang pananalita, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na nararapat na ipagdiwang ng mga stakeholders ang pagbubukas ng klase ngayong taon kasabay sa kinakaharap na pandemya.

Binigyang diin rin nito ang naging matagumpay ang nakaraang school year na kabaliktaran sa naging puna ng mga magulang, guro at ng ilang grupo kabilang na ang UNICEF.

Samantala, mas pinalawig pa ng ahensya ang enrollment period hanggang sa September 30.

Matatandaang unang inihayag ang enrollment period na Agosto 16 hanggang Setyembre 13 na kinalunan ay inextend.  

Kasabay sa pagbubukas ng klase ay nagsagawa naman ng kilos-protesta ang ilang miyembro ng Alliance of Concerned Teachers.

Nananawagan ang mga ito ng ligtas na reopening ng klase para sa mga low-risk areas ngayong pandemic.

Kinalampag rin ng mga ito ang ahensya para sa dagdag na overtime pay at benepisyo para sa public school teachers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *