Naghahanda na ang Department of
Eduction o DEPED sa gaganaping Central Luzon Regional Athletic Association o CLRAA, sa April 24 hanggang 28.
Ito ang muling pagbabalik ng CLRAA matapos ang tatlong taong pag-tigil nito dahil sa Covid-19 pandemic.
Dito ay maglalaban-laban ang mga junior at senior highschool mula sa mga private at public schools.
Kabilang sa mga larong gaganapin rito ang Archery, Arnis, Athletics, Badminton, Baseball, Basketball, Basketball 3×3, Billiards, Boxing, Chess, Dancesport, Football, Futsal, Gymnastics, Paragames, Sepak Takraw, Softball, Swimming, Tennis, Table Tennis, Taekwondo, Volleyball, Wrestling, and Wushu.
Samantala, ang mga mananalo rito ay ang mga ilalaban naman sa Pre-National Qualifying Meet sa July 29 hanggang August.
