DepEd Regional Director Gilbert Sadsad hinimok ang mga guro na iwasan ang solicitation para printing of modules

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Department of Education Regional Director Gilbert Sadsad ang mga guro na iwasan ang pag solicit ng pera at mga materyales mula sa mga magulang at iba pang stakeholders para sa printing of modules.

Sa kaniyang mensahe sa mga kaguruan ng Camarines Norte sa World Teacher’s Day Virtual Celebration kahapon, sinabi ni Sadsad na ginagawa ng departamento ang lahat ng makakaya upang kahit papaano ay matumbasan ang pagsasakripisyo at maibsan ang paghihirap ng mga guro.

Aniya, ngayong School Year ay hindi gusto ng DepEd na gumastos ng sariling pera ang mga guro para sa module.

Nagpalabas umano ng P120 million na pondo noong Hunyo o bago magtapos ang School Year 2020- 2021 ang Central Office na pinadaan sa Regional Office na pantay- pantay na ipinamahagi sa mga Division Office.

Mas maraming enrollment mas malaki ang share para sa printing ng karagdagang modules para sa first at second quartet ng School Year 2021- 2022.

Hindi umano nais ng DepEd na ang perang para na sa pamilya ay magagastos pa ng mga guro sa printing ng mga learning materials maliban na lamang kung ito ay boluntaryo niyang ibibigay para sa eskwelahan.

“Buong puso din naman naming ginagawa ang lahat ng aming makakaya para kahit na papaano matumbasan at maibsan ang inyong mga paghihirap,” ani Sadsad.

“We discourage teachers from soliciting money and materials from parents and stakeholders for the printing of modules, we don’t want to grab the food from your family, your money is for your family, unless you voluntary offered it to your school.”

At ngayong School Year ay muli umanong nakapag download ng P65 million ang DepEd para sa printing ng karagdagang self- learning modules para sa K- 3 grade levels.

Ang karagdagang SLMs para sa Grade 4- 12 ay bahala na umano ang Regional Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *