Target ng Department of Education na mailunsad sa school year 2024-2025 ang bagong K to 10 curriculum.
Sa isang panayam, sinabi ni DepEd spokesperon Michael Poa, na kinokolekta pa nila ang feedback ng publiko sa inilabas nilang draft ng K to 10 curriculum.
Samantala, nasa ilalim naman ng review at konsultasyon ngayon ang curriculum para sa Senior High School.

Isinasapinal na rin ng DepEd ang school calendar para sa SY 2023-2024.
Ang kasalukuyang school year ay nagsimula noong August 22, 2022 at magtatapos sa July 7, 2023.