Deped umapela sa mga guro at magulang na tutukan ang performance ng mga batang estudyante sa nalalabing dalawang quarter ng school year

CAMARINES NORTE- Umapela ang Department of Education sa mga guro at magulang na tutukan ang performance ng kanilang mga anak at estudyante sa nalalabing dalawang quarter ng School Year 2022- 2023.

Ayon kay Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo dapat talagang tingnan ang performance ng mga bata dahil mayroon pang sapat na panahon para bigyan ang mga ito ng interventions lalo na ang mga bumagsak sa una at ikalawang quarter.

Hangad ni Guemo na makabawi ang mga bata ngayong 3rd at 4th quarter upang maipasa nila ang asignatura.

Aniya hindi lang dapat iasa ng mga magulang ang pagtuturo sa mga guro ng basic skills tulad ng pagbasa at pagbilang.

Naniniwala si Guemo na ang pinakabasic talagang dapat matutunan ng mga bata lalo na sa Grades 1- 3 ay ang pagbasa dahil kapag marunong bumasa ang bata ay madali nitong matututunan ang iba pang skills.

Umaasa umano ang opisyal na pagsapit ng Grade 4 ay nakakabasa na ng Filipino at English ang mga bata.

Kaya naman nanawagan ito lalo na sa mga magulang na pag uwi sa bahay ay pabasahin ng module, pakinggan at alamin kung nakakabasa na ang bata.

Madalas daw kasi ay nasisisi agad ang mga guro kapag hindi nakakabasa ang bata.

“Magtulungan tayo, huwag lang nating iasa sa guro ang pagturo ng pagbasa at pagbilang, pero ako naman naniniwala na kapag ang estudyante ay marunong bumasa ay matuto yan bumilang,” pahayag ni Guemo sa programang DepEd Hour.

Pag hindi nakabasa ang nasisisi agad ang kaguruan, wag naman pong ganun.”

Batay sa school calendar gagawin ang  third quarter exam sa April 20- 21 kaya meron pang limang linggo bago ito matapos.

Magsisimula naman sa May 2 ang 4th quarter at ang closing exercises ay mula July 10- 14.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *