Deployment ng mga OFW sa Oman, inaasahang magre-resume na – POEA

Inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na inaasahang magre-resume na ang deployment sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa bansang Oman sa oras na i-lift o bawiin na ng pamahalaan ang travel restrictions.

Sa Laging Handa Media Forum, sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na ito ay kasunod ng naganap na pulong kahapon ni Labor Secretary Silvestre Bello III at Oman Ambassador kung saan, nagkaliwanagan na aniya ang dalawang panig.

Hindi raw umano intesnyon ng gobyerno ng Oman na harangin ang entry o pagpasok ng mga OFW sa kanilang bansa habang sa panig ng Pilipinas, may praktikal aniya na rason sa suspensiyon ng deployment.

Dahil nagkalinawan na ang dalawang panig, sinabi ng opsiyal na babawiin na ng gobyerno ng Oman ang ipinatutupad nitong restrictions at bilang kapalit ay babawiin na rin ng POEA ang temporary deployment suspension para sa Oman upang makapagpadala na muli ng mga OFW sa naturang bansa.

Sinabi ni Olalia na aabot sa 25,000 ang average na bilang ng mga manggagawa na ipinapadala ng bansa sa Oman taon-taon bago ang covid-19 pandemic ngunit bumaba ito sa 5,000 dahil nga sa nagpapatuloy na pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.