Deportation sa mga iligal na POGO workers, uumpisahan na sa susunod na buwan

Posibleng magumpisa na ang deportation ng mga na-rescue o nahuling mga iligal na Chinese workers ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs.

Sa isang panayam, sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na baka sa pag-uumpisa ng Oktubre ay lumarga na ang deportation ng halos tatlong daang mga illegal aliens na nagta-trabaho sa mga POGO.

Matatandaaang kahapon ay nagpulong si Remulla kasama sina Chinese Embassy Ad Interim Chargé d’Affaires Zhou Zhiyong para talakayin ang mga hakbang sa pagpapauwi sa mga overstaying na mga Chinese nationals sa bansa.

Sa ngayon, inaasikaso pa rin ang proseso para sa kanilang pagpapauwi at tintiiyak na hindi ito mauuwi sa humantarian crisis.

Sa pakikipagtulungan din sa mga law enforcement agencies, tinitukoy na nila ang iba pang mga iligal na operasyon ng POGO sa bansa.

POGOs, handa umanong tumalima sa mga clearance requirements ng PNP para maipagpatuloy ang kanilang operasyon sa bansa

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na sumang-ayon ang POGOs sa pag-comply sa mga requirements na kanilang itinakda para sa pagpapatuloy ng kanilang operasyon sa bansa.

Ito ay sa harap ng ginagawang pag-crack down ng PNP sa mga POGOs na sangkot sa mga iligal na aktibidad partikular ang kidnapping.

Kabilang sa mga requirements ng pambansang pulisya mula sa mga POGOs ay ang clearances mula mismo sa PNP at maging sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. sa pamamagitan ng mga requirements na ito, matitiyak nilang sumusunod sa batas ang mga POGO workers at mas matitiyak hindi rin sila sangkot sa mga illegal activities.

Bukod dito, sinabi ni Azurin na nakikipagugnayan na ang mga POGO’s sa kanilang mga empelyado na magpresenta ng mga karagdagang proof o patunay na hindi pa sila nasasangkot sa kahit anong criminal offenses sa bansang kanilang pinanggalingan.

Mababatid na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 27 kidnapping cases na may kaugnayan sa POGOs ang naitatala sa bansa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.