Desilting project ng Olongapo sa mga ilog malaking tulong para iwas baha ayon sa CDRRMO

Naniniwala ang City Disaster Risk Reduction Management Office Olongapo na malaking tulong ang desilting project ng lungsod sa mga ilog.

Ito ay dahil naiiwasan ang malalaking pagbaha o pagtaas ng tubig mayroong malalakas na pag-ulan.

Ayon kay Jeff Lapid, Operations Section Chief Ng CDRRMO, mas mabilis ang pagbaba ng tubig dahil na rin sa paghukay sa ilog kaya mas malalim na ang mga ito.

Nitong nakalipas na bagyong Jolina at Kiko, may dalawang bahay sa kalaklan na naitalang nagkaroon ng pagguho ng lupa pero agad na naagapan at walang naitalang casualties.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person, standing and text that says 'Power Cells in Salabat Herbal Mix Ginger Brew SHOP NOW! Lazada Iwas Sakit, Stay Healthy! 이 Simple Reminder Wear Face Mask Wash/Sanitize Hands Social Distancing Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *