Binatikos ng isang grupo ang hakbang ng Department of Education (DepEd) sa bagong kurikulum na anila ay binabaluktot ang kasaysayan.

Sa isang pahayag, kinondena ng Congress of Teachers/ Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) ang hakbang ng DepEd na palitan ang “Diktadurang Marcos” sa “Diktadura” sa grade 6 Araling Panlipunan, alisunod sa bagong Matatag curriculum.
Dagdag pa ng CONTEND, ang rebisyong ito ay malinaw na istratehiya ng kasalukuyang administrasyon para i-rehabilitate ang madilim na kasaysayan ng pamilyang Marcos.
Isa rin daw itong halimbawa ng disinformation, kung saan ang mga tao ay namamanipula ng mga gustong baguhin ang makasaysayang katotohanan.