Desisyon ng Pangulo na tumakbo sa pagka-bise presidente, napapanahon ayon sa ilang senador

Naniniwala si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na napapanahon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.

Ayon kay Dela Rosa, maihahalintulad ang Pangulo sa isang doktor na ginagamot ang isang pasyente.

Ipinaliwanag ng senador na nagsisilbing pasyente ng Pangulo ang Pilipinas.

Ipinunto ni Dela Rosa na sa pagiging bise presidente ay pwede pa rin magsilbi ang Pangulo bilang “assistant doctor” na may malaki rin papel sa paghilom ng Pilipinas.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo na seryoso na niyang kinokonsidera ang pagtakbo sa pagka-bise-presidente sa 2022 elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published.