Nakatakdang ilabas sa susunod na linggo ang desisyon para sa fare increase petitions para sa public utility vehicles (PUVs) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Dinidinig din ng ahensya ang dalawang magkahiwalay na petisyon para sa UV fare increase.
Ang unang petisyon ay P2 fare increase para sa unang apat na kilometro ng biyahe sa iba’t ibang uri ng public transportation sa bansa.
Ang isa pang petisyon ay ang hirit para sa provision fare hike na P1 sa minimum fare habang pending pa ang main petition na P5 increase.