Device na may “labi”, pwede na sa mga mag-asawang LDR

Posible na ngayon para sa mga mag-asawang nasa long-distance na relasyon na maghalikan.

Kamakailan, bumuo ang mga Chinese na estudyante ng device na may ‘labi’ at mga sensor na maaaring gayahin ang pressure, paggalaw at temperatura ng halik ng user.

Sa “Next Now”, sinasabing ang device ay binuo ng mga Chinese na estudyante mula sa Professional Institute of Mechatronics Technology sa Changzhou.

Para gumana, nakasaksak ang device sa port ng smartphone at na-activate gamit ang isang app.

Ito ay gawa sa silicon, na maaaring gamitin sa mga video call para makita at marinig ng mag-asawa ang isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *