DFA chief, hiniling na ang executive clemency para sa Mary Jane Veloso sa Indonesia

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na hiniling na umano ni Secretary Enrique Manalo kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi sa Jakarta, ang executive clemency para kay Mary Jane Veloso, ang Pinay na nahatulan ng kamatayan sa Indonesia, dahil sa trafficking charges.

Ayon sa DFA, ang pulong sa pagitan nina Manalo at Marsudi ay nangyari sa sidelines ng state visit ni President Ferdinand Marcos Jr. sa naturang bansa.

Sinabi ng ahensya, na batay kay Marsudi, ikokonsulta umano niya sa kanilang Ministry of Justice ang naturang usapin.

Matatandaan na si Veloso ay bibitayin na sana sa pamamagitan ng firing squad noong April 2015, pero nailigtas matapos maaresto ang kanyang mga recruiters sa Pilipinas, na sinasabing nagbigay sa kanya ng bagahe na mayroong 2.6 kilograms ng heroin noong 2010.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *