DFA, handang harapin ang imbestigasyon ng ICC sa war on drugs

Nakahanda ang Department of Foreign Affairs na kumatawan sa Pilipinas sa International Criminal Court na muling nagbukas ng imbestigasyon sa war on drugs ng bansa.

Ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza, hindi pa natatanggap ng Departamento ang kopya ng desisyon mula sa Pre-Trial Chamber ICC, gayunpaman kung kinakailangan ay nakahanda umano sila na gumawa ng naaangkop na mga representasyon sa pamamagitan ng Embahada sa The Hague, Netherlands.

Matatandaang inakusahan ng crimes against humanity si dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Philippine National Police chief at incumbent Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa extrajudicial killings na may kaugnayan sa war on drugs.

Inilunsad ni Duterte ang war on drugs sa pagsisimula ng kanyang termino noong 2016.

Noong September 2021, sinimulan ng ICC ang imbestigasyon rito ngunit nasuspinde pagkalipas ng dalawang buwan sa kahilingan ng gobyerno.

Ayon sa human rights group, lumampas sa 20,000 ang bilang ng nasawi sa drug war.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *