DFA: huwag gamitin ang tourist visas para magtrabaho sa Southeast Asian

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino na nais magtrabaho sa Southeast Asian countries na huwag pumasok sa mga bansa sa pamamagitan ng tourist visas.

Giit ni DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega, bobolahin lang umano sila ng mga recruiter na pagdating doon na icoconvert sa working visa.

Ang babala ni De Vega, ay kasunod ng pagkakabiktima ng walong mga Pilipino ng human trafficking sa Myanmar.

Ang naturang mga Pilipino ay dumating ng bansa, Lunes ng umaga.

Sinabing ang apat sa mga biktima na nakapagtrabaho bilang online scammers sa crypto currency farms, ay narescue ng Myanmar authorities at ng Philippine Embassy sa Yangon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *