DFA, isinailalim na ang Gaza sa Alert Level 3

Isinailalim na ng Department of Foreing Affairs (DFA) sa Alert Lvel 3 ang Gaza.

Ayon kay DFA Usec. Eduardo de Vega – itinaas na ang alerto sa area dahil pa rin sa nagpapatuloy na Israel-Hamas conflict.

Ibig-sabihin, voluntary na sa ngayon ang repatriation ng mga Pilipino doon.

Maaalalang itinaas kahapon sa alert level 2 ang buong Israel kung saan ay pinalilimitihan na ang mga non-essential movements ng mga Pilipino.

Bago ito, una nang kinumpirma ni de Vega na nasa 70 mga Pilipino ang nag-request nang makauwi ng bansa.

Sa huling tala ng Israeli government – umakyat na sa 1,200 ang bilang ng mga namatay sa giyera.

Dalawa na rin ang kumpirmadong Filipino casualties, habang vine-verify kung Pinoy ang isa pang narekober na bangkay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *