DFA, kinumpirmang magpapadala ang Pilipinas ng rescue team sa quake-hit Syria

Kinumpirma na ng Department of Foreign Affairs na magpapadala ang Pilipinas ng six-man team na sasali sa search and rescue efforts sa Syria, kasunod ng pagtama ng 7.8 magnitude na lindol noong Feb. 6, kasama ang Türkiye.

Ayon kay DFA Usec. Eduardo Jose de Vega, na ang six-man team na pupunta sa area ay galing sa Damascus para magbigay ng anumang kailangan na tulong.

Hindi naman sinabi ni De Vega, kung kailan darating sa Syria ang team.

Una nang sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na magpapadala ang gobyerno ng relief supplies sa halip na rescue team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *