DFA, nangako na patuloy na itataguyod ang soberenya integridad ng teritoryo ng bansa sa 2023

Nangako si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kahapon na patuloy na itataguyod ang soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa sa susunod na taon.

Sinabi ito ni Manalo sa kanyang mensahe sa Pasko, at idinagdag na hahabulin din niya ang pagbibigay ng economic progress, pangangalaga sa mga Pilipino sa ibang bansa, at palalakasin ang katayuan ng bansa sa global community.

Sinabi rin ni Manalo na ang ahensya ay muling pinagtitibay ang kanilang pangako na aktibong mapanatili ang pakikipag-ugnayan international communities  at isulong ang interes ng Pilipinas sa ibang bansa upang matiyak ang isang matatag at ligtas na political, economic, at social environment  para sa lahat ng Pilipino.

Nangako rin siya na magbibigay ng matatag na suporta sa mga Pilipino sa ibang bansa at sa kanilang mga pamilya sa napapanahon at mahusay na paghahatid ng mga serbisyo sa mga ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *