DFA, nilinaw ang pahayag na zero acquittal sa mga OFWs  na may mga kaso sa ibang bansa

Sinagot ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isyu na inilahad ng ilang senador, kaugnay sa zero acquittal sa mga overseas Filipino workers (OFW) na may iba’t-ibang kaso sa ibang bansa.

Paglilinaw ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na ang kanilang sinabing zero acquittals, ay para lang sa period ng January hanggang June 2022.

Mababatid na sa pagdinig ng Senador kamakailan, iprenesenta ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang datos mula sa ulat ng DFA para sa Kongreso na nagsasaad na mula sa naturang period, walang acquittals sa mga kaso na kinasasangkutan ng mga Filipinos abroad.

Lumalabas din sa report na nasa 1,278 Filipinos ay kinasuhan with finality sa ibang mga bansa.

Paliwanag ni De Vega, ito umano ay dahil sinuspende ang mga paglilitis dahil sa COVID-19 pandemic, at nagresume lang noong huling bahagi ng 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *