DFA Secretary, iginiit ang 2016 arbitral ruling sa UN General Assembly

Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang 2016 arbitral ruling sa United Nations General Assemby (UNGA)

Ayon kay Manalo, ang pagsunod sa international law ay makatutulong na maging stable at payapa ang Indo-Pacific Region.

Samantala, sinabi ng panig ng China na hindi UN ang tamang forum para hatulan o desisyunan ang mga isyu tungkol sa South China Sea.

Handa naman ang Beijing na resolbahin ang maritime disputes sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon sa Pilipinas.

Una nang sinabi ng Pilipinas na plano nitong ihabla ulit sa korte ang China kaugnay sa mga nasirang coral reef sa Rozul reef sa WPS; at tinawag naman ito ng Beijing na ‘political drama.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *