Hindi tinanggap ng Pilipinas ang bagong publication ng China na ‘10-dash line’ map kung saan makikita na ang kabuoan ng South China Sea ay sakop ng naturang foreign country.
Ayon sa DFA, sinusubukang i-‘legitimize’ ng China sa kanilang bagong edisyon (edition) ng mapa ang soberanya at jurisdiction sa features at maritime zones.
Binigyang-diin pa ng ahensya na ang hakbang na ito ng China ay walang basehan sa ilalim ng international law, lalo na sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Giit ng kagawaran sa China – umasta nang maayos at sumunod sa mga obligasyon na ipinatutupad sa ilalim ng UNICLOS, gayundin sa 2016 Arbitral Award.