DFA, tutulong muna na pondohan ang tulong para sa mga OFWs sa harap ng transitions ng DMW

Tutulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagpondo ng assistance para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) hanggang sa Marso ngayong taon, sa harap ng transitions ng bagong binuong Department of Migrant Workers (DMW) patungo sa full-time agency ngayong taon.

Ayon kay DFA Undersecretary for Office of the Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega, na ang Aksyon Fund o ang pondo para sa pagtulong sa mga OFWs, ay manggagaling muna sa DFA kasama ang Assistance to Nationals budget na para sa pagtulong sa mga non-OFW Filipinos abroad, gaya ng permanent residents ng foreign host country, students, Filipino nationals na citizens ng host country pero Filipino descent o isa ring Filipino citizen na naghihintay ng naturalization, at iba pa.

Mababatid na ang batas na bubuo ng DMW ay naipasa noong February 2022, kung saan sa ilalim nito, ang DMW ay dapat maging fully function bilang ahensya dalawang taon matapos maipasa ang naturang batas.

Ang mga ahensyang nasa ilalim ng DMW na pinamumunuan ni Secretary Susan Ople ay kinabibilangan ng Philippine Overseas Employment Administration, National Reintegration for OFWs, International Labor Affairs Bureau, Philippine Overseas Labor Office at OFW Hospital, at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *