DHSUD at PGA, magtutulungan sa pagpapatayo ng resilient houses sa Albay

LEGAZPI CITY – Magtutulungan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay para sa pagpapatayo ng mas marami pang resilient houses.

Ayon kay Governor Atty. Edcel “Grex” Lagman, ang mga disenteng bahay ay nararapat lamang para sa mga Albayano, lalo na ang magandang buhay na maaari nilang makuha kasama ang kanilang pamilya.

Matatandaan, isang MOU ang nilagdaan noong Biyernes sa pagitan ng dalawang opisina upang magkaroon ng secured, resilient, at sustainable housing solutions ang lalawigan, lalo na sa mga residenteng mula pa sa mga delikadong lugar, kabilang ang mga residente mula sa PDZ at mga empleyado ng PGA.

Ang township na ito ay inaasahang magbigay sa mga residente ng access sa mahahalagang amenities, kabilang ang mga swimming pool, basketball court, palaruan, at communal garden.

Sa mga susunod na araw, tutukuyin ang mga housing sites, na magiging daan para sa pagsisimula ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *