‘Di pa man tapos ang Shear Line – LPA, magpapa-ulan sa Visayas, Mindanao

Hindi pa man tuluyang nakababangon sa mga epekto ng Shearline – isa na namang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang magpapa-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at sa Mindanao.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 260 kilometro silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Magdadala naman ang naturang LPA ng malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Eastern Visayas.

Asahan din ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan na dulot ng LPA sa bahagi ng CARAGA, Northern Mindanao, Davao Region, Zamboanga Peninsula, Bicol Region, Palawan, at nalalabing bahagi ng Visayas.

Dahil dito, mataas pa rin ang tiyansa ng mga pagbaha at landslides na maidudulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

Sa kabila niyan, mababa pa rin ang tiyansa na ito ay mag-develop bilang isang ganap na bagyo.

Sa ibang bahagi ng bansa, kabilang na ang Cagayan Valley, CAR, Aurora, Quezon, Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, may tiyansa pa rin ng maulap na papawirin at may kalat-kalat na mga pag-ulan dulot ng Northeast Monsoon, ‘o ‘yung Hanging Amihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *