Hindi tamang pagtatapon ng basura nanatiling problema sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Hindi lahat ng Barangay sa lungsod ng Legazpi ay may problema pagdating sa pagtatapon ng basura na hindi nila residente.

Ito ang inihayag ni City Councilor Ismael Santillan ang ABC Representative Liga Vice President ng lungsod sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Santillan, may mga barangay kapitan ang pinoproblema nila ang mga dumarayo o dumaan man lang para magtapon o mag iwan ng basura sa kanilang nasasakupan.

Aminado rin ito na hindi umano kayang bantayan ng barangay officials o tanod ang mga nagtatapon o nag iiwan ng basura dahil sa karamihan sa mga ito ay nakasakay sa sasakyan o tricycle.

Dagdag pa nito, sinasamantala rin ng mga nag iiwan ng basura sa madilim na lugar o kaya sa gabi ginagawa at walang taong makakakita upang iwan ang basura na hindi naman nila residente.

Sinabi pa nito hindi lahat ng Barangay ay mayroong cctv camera na magmomonitor sa lugar upang makita ang salarin na nagtatapon ng basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *