DICT: bumaba ang bilang ng text scams dahil sa ginagawang SIM card registration

Nagkaroon umano ng malaking pagbaba sa bilang ng mga text scams kasunod ng pagpapatupad ng SIM registration law ayon sa Department of Information and Communications Technology.

Ayon kay DICT Secretary Ivan Uy,  kung dati ay nakakatanggap siya ng anim o pitong malicious messages, ngayon daw ay nakakatanggap na lamang siya ng isa o dalawang mensahe na lamang.

Sa huling bahagi ng nakaraang taon, ayon sa ahensiya tumaas ang bilang ng mga spam text messages.

Ito ang nag-udyok sa National Telecommunications Commission na utusan ang mga telecommunications firms na palakasin ang mga pagsisikap  nito na i-block  ang mga mapanlinlang na aktibidad na nagta-target sa mga Filipino consumers.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *