DICT humihirit ng confidential funds para habulin ang mga scammers sa bansa

Humihirit ng confidentials funds ang Department of Information and Communications Technology o DICT na gagamitin para habulin ang mga scammers sa bansa.

Ito ang sinabi ni DICT Secretary John Ivan Uy sa press briefing sa Malacanang kasunod ng pagpuna ng mga kritiko sa hinihingi nilang P300 milyong halaga ng confidential and intelligence funds para sa susunod na taon.

Sabi ni Uy, gagamitin ang pondo upang makapagsagawa ng intelligence at investigation laban sa mga cyber criminal.

Ang confidential and intelligence funds na iminungkahi para sa susunod na taon ay nagkakahalaga ng kabuuang P10.142 bilyon, ayon sa mga dokumento mula sa Department of Budget and Management.

Sinabi ng DBM na mas mataas din ito ng P120 milyon kaysa sa P10.02 bilyon na nakalaan para sa CIF noong 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *