DICT, inamin na kulang ang cybersecurity professionals sa Pilipinas

Inamin ng Department of Information and Communications Technology na hindi sapat ang bilang ng mga cybersecurity professionals sa Pilipinas.

Sa press briefing kahapon , sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy , isa sa mga pangunahing concern ng ahensiya ay palakasin pa ang  kakayahan sa cybersecurity at cyberdefence ng bansa. Gayunpaman, inamin ni Uy na hanggang ngayon, kulang pa rin ang bilang ng mga certified cybersecurity experts sa Pilipinas na aabot lamang sa 200.

Sa tinatayang 200 cybersecurity professionals, 30 percent lamang ang nasa bansa. Hindi bababa sa 70 percent ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Maraming Pilipino, ayon kay Uy, ang may talento at sa katunayan, may kaalaman pagdating sa larangan ng information and communications technology, ngunit karamihan ay hindi kuwalipikado sa trabaho dahil wala silang mga credentials o certification.

Upang matugunan ang isyung ito, binigyang-diin ni Uy na ang departamento ay nagsusumikap na palakasin ang interes ng publiko sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programa na magbibigay kaalaman sa mga ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *