DICT, iniimbestigahan ang pag-hack sa official website ng Kamara

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang insidente ng pag-hack sa website ng House of Representatives.

Ayon kay DICT Supervising Director for Information and Strategic Communications Division Aries Joseph Hegina, patuloy silang nakikipagugnayan sa HOR at kasalukuyang iniimbestigahan ang lawak ng nasabing insidente.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Aniya, magbibigay sila ng karagdagang update sa publiko sa sandaling maging available ang mga ito.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Sa ngayon, pinapayuhan muna ni House Secretary General Reginald Velasco ang publiko na maging maingat sa anumang kahina-hinalang email o komunikasyon na nagsasabing mula sa House of Representatives.