Muling kinonsidera ng Department of Information and Communications Technology na limitahan ang bilang nga mga SIMs na maaaring i-register ng mga indibidwal, matapos makumpiska ng mga otoridad nasa P1B mula sa e-wallets na umano’y may kaugnayan sa mga sindikato.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, nakuha ang naturang halaga ng pera sa pamamagitan ng mga raids, kasunod ng pagpapatupad ng SIM Registration Act.
Sa ngayom, pinag-iisipan umano ng DICT na amyendahan ang ilang mga implementing rules and regulations (IRR) ng batas, gaya ng paglilimitas sa bilang ng SIM cards na mairerehistro ng isang tao, gaya ng ginagawa sa ibang bansa.
Paliwanag ni Uy, maaaring limitahan ng pamahalaan hanggang 3 o apat ang SIMs kada-indibidwal lalo pa’t tatlo lang din naman ang telcos sa bansa.
Maliban dito, tiniyak naman ng opisyal ang pakikipag-ugnyan ng gobyerno sa iba pang digital ministers at developers sa buong mundo lalo pa’t ginagamit na rin ng mga scammers ang mga application na hindi na ngangailangan ng SIMs gaya ng Telegram, Messenger, at Viber para mambiktima.