DICT, nakapagtala umano ng higit 20,000 na mga hacking attempts sa COMELEC Website

Matagumpay na naharang ng mga eksperto at personnel ng Department of Information and Communications Technology ang umano’y libu-libong mga tangka ng pag-atake sa website ng Commission on Elections.

Sa pulong balitaan, sinabi ni COMELEC acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na mayroong iniulat sa kanila ang DICT na mahigit dalawampunglibong mga cyber attacks.

Aniya, katuwang ang mga IT personnel ng DICT, pinaigting ang seguridad sa kanilang website nang sa gayon ay maprotektahan pa rin ang intergridad ng halalan.

Sa kabila nito, hindi pa naman matiyak ni Laudiangco kung ang mga hacking attempts na ito ba ay nagmula sa Pilipinas o mula sa mga foreign cyber attackers.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *