DICT, palalakasin ang kanilang SIM registration efforts sa gitna ng napaulat na pagbagal nito

Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na palakasin ang kanilang mga hakbang sa paghihikayat sa mas marami pang users na iparehistro ang kanilang SIM cards, kasunod ng pagbagal ng implementasyon nito.

Ayon kay DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo, na gagawin nila ito sa pamamagitan ng information at education campaigns.

Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, inaatasan ang lahat ng public telecommunication entities (PTEs) na magtatag ng kani-kanilang registration platforms at binigyang ang mga users ng hanggang April 26, 2023 para iparehistro ang kanilang SIM cards, dahil kung hindi ay made-deactivate ito.

Samantala, sinabi naman ng DICT na may kabuoang 32,062,265 SIM cards na ang naparehistro as of February 12, o katumbas sa 18.97% ng 168.977 million SIMs sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *