DICT, pinag-iingat ang publiko laban sa mga pekeng emails re: SIM Card Act

Pinaalalahanan ng Department of Information and Communicaitons Technology (DICT) ang publiko na mag-doble ingat at huwag basta-basta maniniwala sa mga natatanggap na e-mails.

Na-monitor daw kasi nila ang ilang mga modus kung saan ay nagpapanggap ang mga kawatan bilang representatives ng mga telco companies sa gitna ng nalalapit na implementasyon ng SIM Card Registration Act.

Ang siste – sasabihin umano ng mga kawatan na-deactivate ang virtual wallet ng kanilang mabibiktima.

Mare-reactivate lang umano ito sa oras na duman ulti sila sa pre-registration.

Paalala ng DICT, huwag daw maniniwala sa mga kahina-hinalang emails at iwasan pagbibigay ng mga personal information sa mga ito.

Sa huli, umapela ang Kagawaran sa publiko na manatiling vigilant, at kaagad mag-report sa mga kinauukulan sa oras na makatanggap ng mga ganitong uri e-mails.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *