Pupulungin ngayong araw ng Department of Information and Communications Technology o DITC ang mga public telecommunications entities at iba pang stakeholders upang matukoy kung nararapat bang mapalawig ang deadline ng SIM card registration sa April 26.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, aalamin nila ang tunay na problema kung bakit may mga nabigo pa rin makapagpa rehistro. Kung hindi aniya matutukoy ang problema, hindi magiging epektibo ang ibibgay na extension sa deadline ng rehistrasyon.
Nauna nang sinabi ng ahensiya na hindi na palalawigin ang deadline sa kabila ng mga apela ng mga telecom companies na Smart, Globe at DITO, na nagsasabing dapat bigyan ng gobyerno ng mas maraming oras ang kanilang mga subscribers upang maka kuha ng valid ID na kinakailangan para sa pagpaparehistro.
Hanggang April 22, may higit 80 M subscribers ang nairehistro na ang kanilang mga SIM na katumbas ng humigit-kumulang 47.84 percent ng 168 milyong subscriber base sa buong bansa.
