DICT, target tapusin ang digital infrastructure program sa gitna ng new normal

Target tapusin ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang kanilang digital infrastructure program sa gitna ng new normal sa bansa.

Ayon kay DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic, layunin ng naturang programa na mapabilis ng internet connection sa maraming lugar sa Pilipinas.

Base sa global speed monitoring firm na Ookla, bahagyang umaayos ang internet speed sa bansa simula noong Pebrero ngayong taon.

Samantala, nasa 18.79mbps ang internet speed median download para sa mobile internet at 49.10 mbps naman sa fixed broadband. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *