LEGAZPI CITY – Nakatakdang ipatayo sa bayan ng Camalig, Albay ang isang digital library kung saan nakaayon ito sa pagpapakilala bg Science and Technology Academic and Reseach-based Openly Operates Kiosks (STARBOOKS).
Ang STARBOOKS ay proyekto umano ng Department of Science and Technology (DOST) Bicol kung saan isa itong stand-alone source na nakadisenyo upang magbigay ng mahahagang impormasyon sa mga grassroots levels.
Layunin ng nabanggit na proyekto na magbigay ng kaalamang pang-agham at teknolohiya at malinang ang kakayahang pang-edukasyon ng mga estudyante lalung-lalo na ang mga hindi nakaka-access sa digital na mga kagamitan.
Nakatakdang ilunsad abg STARBOOKS sa Municipal Library na naglalayong tanggapin ang mga estudyante sa digital learning.