Digital payment method ng bill sa kuryente posibleng ipatupad na ng Canoreco sa Hunyo

CAMARINES NORTE- Pinaplantsa na ngayon ng Camarines Norte Electric Cooperative (Canoreco) ang implementasyon ng pagamit ng digital payment method para sa pagbabayad ng bill sa kuryente.

Ayon kay General Manager Zandro Gestiada nakalinya na talaga ito sa kanilang mga programa at posibleng sa June billing ay maipatupad na.

Sa text message sa Brigada News FM Daet sinabi ni Gestiada na may mga inaayos lang na proseso pero patungo na rin daw talaga sila sa digital system.

Binigyan daw kasi ng prioridad ng naturang kooperatiba ng kuryente nang magsimula ang pandemic noong isang taon na magdagdag ng mas maraming bayad centers sa mga barangay lalo na sa mga malalayo.

At ngayong marami nang bayad centers sa lalawigan ay sunod naman umanong bibigyang prioridad ang pagamit ng digital method sa pagbabayad ng bill sa kuryente.

Mababatid na isang resolusyon sa Sangguniang Panlalawigan ang humihikayat sa pamunuan ng Canoreco na gumamit ng digital payment method sa pagbabayad ng bill sa kuryente upang maiwasan ang physical contact na maaring maging dahilan ng pagkalat ng coronavirus.

Isinulong ng may akda ng resolusyon ang pagbabayad ng bill sa kuryente sa pamamagitan ng GCash at PayMaya na bukod sa mas maginhawa ay mas ligtas dahil walang physical contact.

Pero ayon kay Gestiada mayroon ta talaga silang timeline para dito bago pa man ihain ang naturang resolusyon sa junta probinsiyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *