LEGAZPI CITY – Nagmungkahi ng ilang mga hakbang ang Department of Interior and Local Government (DILG) Albay upang epektibong maipatupad ang Executive Order No. 39 o ang โImposition of Mandated Price Ceilings on Rice” sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay DILG Program Manager na si Conniefer D. Codia, Local Government Operations Officer (LGOO) VI, na sa muling pagsasaaktibo ng Albay Price Coordinating Council (APCC), iminungkahi ng DILG na i-activate ang rolling stores, pagbibigay ng suporta at subsidy sa mga retailer ng bigas, pag-aalok ng pautang para sa mga magsasaka, at pagpapatupad ng continuous monitoring sa pagpepresyo ng bigas sa lalawigan.
Sinabi pa ni Codia na maglagay umano ng consumer complaint desk sa lalawign na napagkasunduan ng gobernador ng Albay na si Edcel Greco Lagman.
Ayon sa gobernador, papaunlakan din umano ng Provincial Legal Office ang iminungkahing desk.
Hinimok naman ni Codia ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) na isapinal ang kanilang action plan at ang kanilang pagbuo ng taskforce na magiging pormal na acting body ng APCC.